Wednesday, January 11, 2017

Nang Ako'y Managinip

Nakita kita...

Malayo.
Nandyan ka...
Subalit lalayo na.

Nagising ako mula sa isang panaginip.
Aalis ka na daw.
Iiwanan ako.
Mula sa bigat na naramdaman,
Tumulo ang mga luha.

May takot na ikaw ay mawala
At tuluyan na ako'y kalimutan.
Masakit kahit isipin na balang araw
May iba ka ng mamahalin.
May iba ng pagtutuunan ng oras at atensyon.

Mula sa bigat na nararamdaman
Tumulo ang mga luha.
Paano pa ako lalaban?

Kung pilit mo ng tinutuldukan,
Na wala ng kwento ang tayo pagdating sa dulo?
Nagising ako mula sa isang panaginip,

Tumutulo ang mga luha.
Sabay hikbi sa naguumapaw na kaba at takot
Na balang araw may iba ng mamahalin.
Nakita kita...

Malayo.
Nandyan ka...

Sa pag-gising,
Maaaring wag na sanang lumayo pa.



TRANSFERRED FROM MY OLD ACCOUNT

WRITTEN: WEDNESDAY, JANUARY 11, 2017