"Kapag tumibok ang puso...
Wala ka nang magagawa kundi sundin ito??"
Muli na namang naghahasik ng pag- ibig si Kupido. Ang kulit kulit. Pana doon... pana dyan! Lilipad lipad at naghahanap ng mabibiktima. OO, mabibiktima ng LOVE VIRUS na pandemic na kung maituturing. Kung makapanghawa naman kasi si Kupido, wagas! Aabot pa sa puntong halos mag seizure kana dahil sa nakasisilaw na ngiti ng taong itinitibok ng immunocompromised mong puso. At susunod nito ang pagtulo ng laway mo dahil sa naiwan kang nakanganga at speechless parin ng kausapin ka niya. Take it easy, my dear. Tulong lang sa kung ano ang pakay niya, hindi ang puso mo. Naexcite ka naman kaagad. Hindi na nga nagregister sa isip mo ang sinabi niya, eh. ------ TULALA!
Well, bago ako magpatuloy... iilag muna ako! Yung tamang ilag lang. Ikaw, baka gusto mo akong sabayan ha. Feel free to do so. :) Mahirap na kasing tamaan ng virus na yan. Bakit? ---May gamot. Mura. Madalas libre na nga eh...yun lang, marami ka nga lang kaagaw. Mag uunahan pa kayo sa pila. May mga taong pasimple kung sumingit at minsan pa yung tipong nasa harap kana't lahat walang pakundangan paring agawan ka. Oh, diba? Carry? Ang beauty mo teh! Ka haggard!--- Ngunit, subalit, datapwat sabi nila, kapag pag-ibig na ang tema, paksa, usapin hindi kana makaiiwas....tatamaan at tatamaan ka parin. And worse, Cupid can sometimes be reckless. Sa sobrang pagkaligalig niya at pagkaapaw ng love virus sa kanyang katawan, yung palaso na kamatch ng palaso na nakatarak na sa kawawang puso mo ay nabitawan! wiiiiii..ayun at patuloy sa pagbagsak sa lupa. Paano na ngayon? Love month pa naman at malamang sa malamang tight ang schedule niya. Hala ka!
Relax, Girl. Smile muna. :) OO, I know how it feels. Yung tipong puro ikaw nalang? "Ako, ako at ako nalang palagi ang nagmamahal." One sided love ba? Mahal mo siya, mahal ka nya... sa panaginip mo? O minsan pinagkakait pa sa iyo sa panaginip. ---100 % infected kana ng virus at nagmamanifest na ang mga kinatatakutan mong signs and symptoms. Kung maaari nga lang na ikaw nalang ang magtarak ng palaso sa puso ng taong iyon eh. Pero, babae ka. Dalagang Pilipina.Hihihi.. (Kayo naman kasi mga lalaki, baka gusto karin naman niya...ano pa ang hinihintay mo? Ang panget naman kasi para sa aming mga babae minsan na gumawa ng first move. Bulag kaba? Gusto ka niya. Naghihintay lang na mapansin mo.)---- Mahirap magpatiuna kahit gaano mo pa siya kamahal. What to do? hmmm... I keep asking myself the same and the only answer I always get is to provide safety for my heart. Hahayaan mo bang mag seizure ka nalang dyan sa tuwing nagkakatagpo kayo ng tingin? Nakamamatay, kaya safety first. Hhhhay...Love! :)
-- Masarap magmahal. Masakit ang masaktan subalit mas masakit ang kaalaman na "ako" lang ng nagmamahal at walang magawa kundi ng tingnan ka mula sa malayo, worse... ang umasa. Kung pwede lang sa generic drugs nalang daanin ang paggamot. Cheap. O sa libre, pero hindi eh. "Ikaw" lang kasi ang tanging gamot sa puso ko na na-virus mo. Ikaw nalang ang hindi nagmamahal.----Okay lang kahit mahal ka. You're worth it. Alam kong gagaling ang puso kong irregular na ang pagtibok----Sana magkaroon ng time si Kupido para pulutin ang palaso na para sa iyo. Upang nang sa ganoon, Ako naman ang mahalin mo. --
Sa pagtatapos nito, patuloy ko paring pinapangalagaan ang kasalukuyang kondisyon ng puso ko. Sana ay ganoon ka rin. Alam ko at alam mo rin na nag iisang gamot lang ang makapagpapagaling sayo ngunit habang hindi pa ito nagmamahal, ingatan mo ang puso mo. Nagiisa lang yan. Okay lang ang magseizure, basta tatandaan mo lang ang sinabi ko. Huwag umasa sa libreng gamot nasa bandang huli ay maaari pang makasama sa iyo.
No comments:
Post a Comment